Dela Rosa, pinangakuan ng posisyon ni Duterte

MAGTUTULOY pa rin ang kwento ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa sa gobyerno sa kanyang pagreretiro sa susunod na buwan.

Ayon kasi kay Dela Rosa, pinangkuan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga siya sa isang posisyon sa pamahalaan pagkatapos ng kanyang nakatakdang pagreretiro sa Enero 2018.

Kwento ni Dela Rosa, sinabi sa kanya ng pangulo na ilalagak siya sa pinakamahirap na trabaho sa buong pamahalaan.

Bilin kasi ni Duterte sa kanya, “Where everyone fails, I expect you to succeed,” kaya inaasahan na niyang mabigat ang magiging trabahong ito.

Matagal na aniya itong sinasabi sa kanya ni Duterte pero makabubuting hindi na muna siya magbigay ng detalye upang hindi naman mapangunahan ang nasabing appointment.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na wala siyang hihindian sa mga hamon sa kanya lalo na kung ang magbibigay sa kanya nito ay ang taong kanyang binibigyan ng mataas na respeto.

Aniya pa, hindi niya ipahihiya si Duterte sa kung saan man siyang ahensya ilalagak nito. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply