Dep. police chief, dinukot sa KTV bar

DINUKOT ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang deputy chief of police ng North Cotabato town nitong Huwebes ng gabi, sa pahayag ni C/Insp. Andres Sumugat, hepe ng President Roxas municipal police.

Ang biktima na nakilalang si Dep. Insp. Menardo Cui, Sr. ay dinukot habang ito ay nasa loob ng HMB KTV Bar and Lodging House, na nasa boundary ng Brgy. Tuael at Poblacion pasado alas-8:30 p.m. Tapos na ang duty nito nang dukutin ito ng NPA.

Dalawang hindi nakikilalang armadong lalaki ang bigla na lamang pumasok habang si Cui, isang kasama at dalawang Guest Relation Officer ng KTV bar, ay masayang nag-iinuman at nagkakantahan.

Habang nakatutok ang baril, kinaladkad ng mga suspek ang biktima saka pinasakay sa isang motorsiklo na nakaparada sa labas ng KTV bar.

Sinabi ni Jensan Nacua, isang bar employee, sa pulisya na bago ang insidente ay napansin nila ang dalawang motorbikes, isang Honda wave at Suzuki, na nakaparada ilang metro ang layo sa kanilang bar.

Humarurot ang mga suspek kasama si Cui, patungong kabundukan ng Magpet town, ayon sa ulat.

“Earlier, we received orders and directives from higher authorities to take extra precaution from possible attacks and harassment by the NPA and other threat groups,” pahayag ni Sumugat.

Si Cui ay pangalawang police officer na dinukot ng NPA sa naturang probinsya ngayong taon.

Noong Hunyo 14, inisnats ng communist guerrillas na nag-o-operate sa Cotabato at Bukidnon area si PO1 Bristol Catalan ng Makilala PNP sa Brgy. Katipunan, Kidapawan City.

Pinakawalan ito matapos ang halos limang buwan sa Magpet town.

Habang isinusulat ang balitang ito, walang pang ipinapalabas na pahayag ang NPA hinggil sa pagdukot kay Cui. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply