Digong, may 15-araw para desisyunan ang pagbibitiw ni VM Duterte

MAY 15-araw na palugit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para desisyunan ang pagbibitiw sa puwesto ng kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Magsisimula ang 15-day reglementary period sa sandaling matanggap na ni Pangulong Duterte ang resignation letter mula kay VM Duterte.

Ani Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw sa probisyon ng Local Government Code nakailangang aksyunan ang liham ng pagbibitiw sa loob ng 15 araw at kung walang gagawin ang Chief Executive ay magiging epektibo na ito o “deemed accepted.”

Matatandaang nitong Disyembre 25, naghain ng resignation letter si VM Duterte matapos madawit ang pangalan sa P6.4-bilyong shabu shipment at diumano’y naging alitan nila ng kanyang anak na si Isabelle Duterte.

Kinumpirma naman ni Davao City Mayor Sara Duterte na kapapadala kanina Disyembre 27 ng kopya ng resignation letter ni VM Duterte sa Malakanyang.

Kahapon lang aniya, Dec. 26, nang malagdaan ni Paolo ang kanyang resignation.

Makaraan ito ay ipinadala ang nilagdaang kopya ng resignation letter sa Malakanyang sa pamamagitan ng LBC ngayong araw.

“The resignation dated Dec. 26 was signed yesterday by Vice Mayor Paolo. It was sent thru LBC today to the OP,” ayon kay Mayor Sara Duterte.

Wala namang ideya si Mayor Sara kung aaprubahan ni Pangulong Duterte ang resignation letter ng kanyang kapatid.

Nananatili aniyang naka-leave si Paolo hanggang December 31, at palalawigin nito ang kanyang leave of absence hangga’t hindi tinatanggap ang kanyang pagbibitiw.

Ani Mayor Sara, hangga’t hindi tinatanggap ni Pangulong Duterte ang resignation ay hindi ito magiging pinal.

Ikinuwento din ni Mayor Sara Duterte na wala sinuman sa kanila na may ideya na magbibitiw si Paolo.

Ginagalang naman ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ang pagbibitiw ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa puwesto.

Ani Alejano, karapatan ni “Pulong” na gumawa ng sa tingin niya ay tamang hakbang lalo na kung ito ay tungkol sa kanyang personal na isyu sa kanyang anak.

Gayunman, sinabi nitong hindi nito maaalis ang katotohanan na hindi pa na-address ang usapin ukol sa 604 kilos na shipment ng shabu sapagkat hindi pa natutukoy at naaaresto ang utak nito.

Hindi rin aniya maililihis ng pagbibitiw nito ang katotohanan na habang ipinagmamalaki ng pamilya Duterte na mahirap at simple lamang sila ay kabaligtaran naman ang ipinapakita ng anak ni Pulong na si Isabelle.

Maliban dito, sinabi ni Alejano na hindi mababawasan ng pagbibitiw ng batang Duterte ang hinagpis ng mga naapektuhan ng baha at sunog sa Davao City.

Tanong naman ng mambabatas, kung ipine-preempt ni Duterte ang magiging desisyon ng Office of the Ombudsman sa reklamomg korapsyon laban dito. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply