Digong, walang planong kasuhan si ex-pres. Noynoy

WALANG plano si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pasampahan ng kaso si dating Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa kontrobersiyal na Dengvaxia, ang bakuna kontra dengue mula sa Sanofi Pasteur.

Sinabi ni Pangulong Duterte, sa pamamagitan ni Special Assistant to the President Bong Go, wala sa kanyang plano ang anumang masamang hangarin sa kanyang pinalitan sa Malacañang.

Ayon sa pangulo, katunayan ay ikinuwento nito ang siyam na beses na pagsasampa ng kaso sa kanya ni dating Davao Cong. Prospero Nograles.

Pero kailanman daw ay hindi siya bumuwelta dito sa pamamagitan ng kontra demanda.

Inihayag ni Pangulong Duterte na ganito rin ang kanyang gagawin kay Aquino at wala sa kanyang ugali ang maghiganti.

“As I have said earlier, even Aquino, when Kris called me na “bakit…?” Sabi ko, “No”. Sabi ko kay Bong, ‘yung aide ko, “You tell Kris, I am not into it.” Karlo Nograles is my nephew. Do you know that Congressman Nograles, ‘yung father, filed about nine cases against me? Ni minsan hindi ako gumanti na…,” ani Pangulong Duterte.

Samantala, binalikan pa ni Pangulong Duterte ang pagtawag sa kanya noon ng TV host/actress na si Kris Aquino kaugnay sa kaso ng kanyang kapatid na si dating Pangulong Aquino. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply