DILAWAN NAGPAPANIK NA NAMAN

HILONG-TALILONG na mistula ang mga dilawang politiko, oligarkiya at warlords dahil sa lumutang na ideya ng pagtatayo ng “revolutionary government.”

Unang nag-panick ang mga trapo dahil sa martial law na idineklara sa Mindanao kaugnay ng terrorist attack sa Marawi City.

Kesyo baka isailalim na ang buong bansa sa batas military tulad ng ginawa ni Pangulong Marcos noong 1972.

Natakot ang mga dilawan na ipaaaresto ni Manong Digong ang kanyang mga kritiko.

Wala namang tuwirang sinabi ang Pangulo na maglalagak nga siya ng revolutionary government.

Nabanggit lang niya na ang isang ideya ng paraan ng pagpapatupad ng tunay na pagbabago.

Napatalon na naman ni Manong Digong itong mga hangal na naghahangad makabalik sa kapangyarihan at makapagpasasa muli.

Palibhasa, kahit ano ang gawin nila ay hindi nila magiba-giba ang Pangulo at kasalukuyang administrasyon.

Nakasasawa na ang pamumulitika ng dilawan sa pangunguna ng bulok na Liberal Party at mga kasimpatya nilang oligarkiya, mga warlord at druglord.

Gusto lamang nilang ipagpatuloy ang kanilang elitist, korap at bulok na sistema.

Wala silang pinag-iba sa mga terorista!!!

Isang bagay ang malinaw pa sa sinag ng araw: Iyan ang walang katinag-tinag na suporta ng sambayanan kay Manong Digong at sa pamahalaan nito.

Hindi nakapagtataka at lumilitaw na sang-ayon ang taumbayan sa “revolutionary government – Digong style” kapag nagkataon. DEADSHOT/ERWIN TULFO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply