Duterte, ibinasura ang anti-political dynasty law

“PAGPIGIL sa karapatang makapamili.”

Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ideya ng pagsasali sa bagong konstitusyon ng probisyon ukol sa ‘anti-political dynasty’ sakaling maging federalismo ang uri ng pamahalaan ng bansa.

Tinanggihan ng presidente ang naturang hakbang sapagkat pipigilan nito ang kalayaan ng taong maihalal ang gusto nilang mamuno.

Sinabi ito ng pangulo sa Christmas benefit dinner ng kanyang partidong PDP-Laban.

Iginiit ni Duterte na anuman ang pinanggalingan ng isang naihalal na opisyal ay kung gusto siya ng mga mamamayan ay walang magagawa ang mga tao ukol dito.

Sagrado aniya ang soberanya at ang karapatang makapamili ay nasa kamay ng bawat indibidwal.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Palace Spokesperson Harry Roque ang federalismo.

Aniya, hindi layon ng uri ng gobyernong ito na tuldukan ang mga ‘political dynasty’ kundi mapag-ibayo pa ang paggamit ng mga lokal na gobyerno sa mga yaman ng bansa. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply