EDCEL LAGMAN NAUULOL NA!

NAGPAUTOT na naman itong si Congressman Edcel Lagman at binuwisit na naman ang Supreme Court ng kanyang petisyong mag-isyu ito ng restraining order laban sa pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao.

Iyan ay makaraang manaig ang mayoridad sa joint Houses of Congress na panatilihin ang batas military sa rehiyon nang isa pang taon dahil sa banta ng terrorist rebels.

Iginiit ng ungas na mambabatas mula sa Albay province na walang “actual rebellion” sa Mindanao.

Hindi kaya nabalitaan ni Lagman “et al” na sinalakay ng kanyang mga kaibigan sa communist New People’s Army ang dalawang patrol posts ng Armed Forces of the Philippines sa Davao Oriental noong araw mismo ng Pasko.

Iyan ay sa kabila ng unilateral ceasefire declaration ng gobyerno para sa mapayapang paggunita sa Kapaskuhan.

Nagdeklara rin kuno ang NPA ng ceasefire ngunit paano maipapaliwanag ni Lagman kung bakit sumalakay ang kanyang mga kakamping rebelde?

Para kay Lagman, “overkill” daw ang isinagawang pambobomba sa Maute Group at Abu Sayyaf sa Marawi City.

Kinubkob ang buong siyudad, pinagpapatay at pinugutan nang walang-awa ang mga kapwa Muslim sa naturang Islamic City pagkatapos sasabihin ni Lagman na kalabisan ang limang buwan na pagsasakripisyo ng mga sundalo?

Ako ay nakikiusap sa kung sinoman ang may mabuting kalooban na puwedeng magdala kay Cong. Lagman sa mental hospital sa Mandaluyong.

Kung ano-anong kaututan ang laman ng utak ng epal na ‘yan.

Next thing, you know, sasabihin niya na walang NPA sa Bicol.

Ulol na ‘to! DEADSHOT/ERWIN TULFO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply