Ex-officials ni PNoy, igigisa sa P8.7 ROW scandal sa GenSan

NANGGAGALAITING inihayag ni Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao kahapon na kanyang ipatatawag ang ilang opisyal ni dating Pangulong Benigno Aquino III upang igisa sa nabukong P8.7-bilyong false claims ng right-of-way sa General Santos City.

Sa panayam, sinabi ni Pacquiao, pawang tubong General Santos City, na masyado siyang dismayado sa mga dating opisyal ni Pangulong Aquino na maituturing bilang scammers, magnanakaw at kurakot sa kaban ng bayan.

“Prangkahan na lang, masyado akong galit na galit. If there is somenting that really cause my dismay, it is their intentional misue of public funds,” giit ng senador.

Partikular na tinukoy ni Pacquiao na kanyang ipatatawag sa Lunes sina dating Budget Sec. Florencio Abad at dating Public Works Sec. Ronaldo Singson na nagsabwatan upang ipalusot ang P8.7B ROW.

“Kaliit-liit ng GenSan, lahat kami doon magkakakilala, eh noong tiningnan ko ang benipisyaryo ng proyekto, hindi namin kilala at hindi taga-roon,” ayon kay Pacquaio.

Sinabi ni Pacquiao na inilaan ang naturang pondo upang gamitin sa pagpapaunlad ng ating bayan, ng mamamayan.

“Hindi ko maintindihan kung paano nakatutulog ang mga taong ito nang mahimbing sa gabi nang alam nila ang kalokohang ginawa nila. Ginawa ang pagkilos na ito ng mga taong walang kunsensiya,” aniya.

Aniya, base sa dokumentong napasakamay niya, magkakapareho ang sukat ng lupa sa titulo na binayaran ng bilyong-bilyong piso na galing sa ilang ahensiya ng pamahalaan.

Ayaw munang banggitin ni Pacquiao kung saan galing ahensiya ng kanyang mga dokumento, ngunit tiniyak ng senador na certified copy ang kanyang mga hawak na papeles na magtuturo kung sino ang salarin sa anomaly.

Dahil dito, inihain ni Pacquiao ang Senate Resolution No. 561 upang atasan ang Senate Committee on Public Works na imbestigahan ang anomaly at makalikha ng kaukulang batas upang maiwasan maulit ang insidente.

“Hindi ko masikmura ang galawang ganito. Ang perang galing sa buwis ng ordinaryong mamamayan napunta lang sa bulsan ng iilang alagad ng gobyerno,” himutok ng senador.

Aniya, kailangan nang lutasan ang ganitong depekto sa ating sistema ng pamamahala at maipakulong ang sinumang may sala.

“Hindi pwedeng mag-walang-kibo tayo sa isyung ito. Ang perang pinag-uusapan ay halos siyam na bilyong piso na maaari nang makapagpatakbo ng isang siyudad,” aniya.

Sinabi pa ni Pacquiao na nakapagpadala na ng imbitasyon ang naturang komite na kanyang pinamumunuan kina Abad at Singson kabilang ang ilang pang sangkot na opisyal upang magpaliwanag hinggil sa naturang anomalya.

Itinakda ang imbestigasyon sa darating na Lunes. ERNIE REYES

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply