Final draft ng Federal Constitution, patapos na

TARGET ng House Committee on Constitutional Amendments na maiakyat na ngayong Disyembre sa House Rules Committee ang final draft ng Federal Constitution na ipapalit sa 1987 Philippine Constitution.

Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Southern Leyte Rep. Roger Mercado, ang final draft ay resulta ng ginawang trabaho ng binuong apat na Technical Working Group (TWG), ang draft umano ng federal constitution ay nakaayon sa ideyang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte at salig din sa isinumiteng panukala ng PDP-Laban Federalism Institute.

Tiwala si Mercado na aaprubahan din sa plenaryo ang House Concurent Resolution No. 9 na nagpapaconvene sa Senado at Kamara bilang Constituent Assembly na siyang magrerebisa sa konstitusyon, sa oras umano na maaprubahan ito ay wala nang antala sa pagtalakay sa federalism sa Enero 2018.

Una nang bumuo ang komite ng apat na magkakahiwalay na TWG para mapabilis ang pag-aaral at para agad na maisalang sa deliberasyon ang isinusulong na Federalism.

Ang apat na TWG ay pamumunuan nila Negros Oriental Rep. Corazon Malanyaon, Deputy Speaker Fredenil Castro, Negros Occidental Rep. Albee Benitez, at Leyte Rep. Vicente Veloso.

Hahawakan ni Malanyaon ang Executive-Legislative, Federal & Regional Powers, Numbers of States, LGU, allocation at taxation habang si Castro naman ay sa Judiciary, amendments and revisions, citizenship at bill of rights provision.

Si Benitez naman ay nakatalaga para sa preamble, national territory, declaration of principles and state policies, general at transitory provisions samantalang si Veloso naman ay sa social justice, labor, education, national economy, accountability of public officials at family provisions. GAIL MENDOZA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply