Galvante ng LTO pinagbibitiw sa puwesto

PINAGBIBITIW ni House Speaker Pantaleon Alvarez si LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante.

Ito ay dahil sa napakabagal na proseso sa plaka ng sasakyan.

Sa pagdinig ng House Committee on transportation, inangalan ni Alvarez ang isang taong palugit kay Galvante ngunit napakarami pa ring mga sasakyan ang walang plaka.

Ang matagal aniyang pag-aksyon ay nangangahulugan lamang na hindi kaya ni Galvante ang kanyang trabaho.

Sinabi pa ni Alvarez na panahon pa lamang ng kampanya ay nabanggit na ni Pangulong Duterte ang problema sa plaka na napakasimple lamang na problema.

Nilinaw naman ni Alvarez na walang personalan sa pagitan nila ni Galvante kundi trabaho lang. MELIZA MALUNTAG

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply