Garin haharapin ang isyu sa vaccination program

HANDA si dating Health Sec. Janette Garin na sagutin ang mga kontrobersiya sa likod ng kanilang ipinatupad na vaccination program na ginamit ang kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Gayunman, iginiit ni Garin na kanya itong gagawin sa ‘tamang forum at tamang panahon.’

Sa panayam, sinabi ng dating kalihim na welcome development para sa kanya ang isasagawang imbestigasyon ng Senado at DOJ hinggil sa usapin.

Ngunit iginiit ni Garin na hindi pa man siya kalihim ng DOH ay ipinatutupad na ang vaccination program ng Kagawaran.

Ang proyekto aniya ang isinagawa batay sa mga guidance at recommendation ng mga eksperto mula sa World Health Organization (WHO) at DOH.

Kung sakali aniyang mapatunayan na mayroon siyang pagkukulang sa implementasyon ng proyekto, ay handa itong tanggapin ang anumang maging resulta.

Sa ngayon ay uunahin niya aniya munang asikasuhin ang pangangailangan ng kanyang ama na may sakit. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply