Globe at Abojeb maghahatid ng saya sa mga marino, OFW ngayong Pasko

BILANG bahagi ng adbokasiya ng Globe na suportahan ang mahigit 400,000 nagtatrabahong marinong Pilipino at ang kanilang mga pamilya na nasa Pilipinas, ito ay nagsilbing sponsor sa maraming mga pagtitipon na ihahatid ng Abojeb Company, isang maritime solutions services at manpower provider, bilang paggunita sa kanilang ika-35 taong anibersaryo sa taong ito.

Noong nakaraang buwan, nakibahagi ang Globe sa Abojeb Job and Family Fair na ginanap sa SMX Convention Center sa Manila, at makikibahagi din sa nationwide Christmas Party para sa mga marino ng Abojeb na gaganapin sa Davao, Iloilo at Cebu. Ang Christmas Party—na may temang “Stronger Together Since 1982: The Bayanihan Spirit Lives On”—ay inaasahang dadaluhan ng mahigit sa 2,000 panauhin mula sa mga nabanggit na apat na siyudad.

Mahigit sa isang libong mga marino at Overseas Filipino Worker (OFW), kasama ang kanilang pamilya, mga international ship owners at service providers ng maritime  industry ang dumalo sa nabanggit na isang araw na Job and Family Fair sa SMX.

Turan ni Mike Frausing, International Business Group Sr. Advisor: “Globe looks  forward to working closely with Abojeb in providing innovative solutions that address the needs of Filipino seafarers and their families. We will leverage on the partnerships that we have built domestically and abroad to come up with services that enable the seafarers to nurture relationships and create meaningful connections with
their loved ones.”

“It’s all about the connection between the seafarers and their families and loved ones. Globe and Abojeb share this view, and we will work together to see how we can offer better and better services to these groups. The mobile revolution continues, with Globe and Abojeb in the forefront,” turing ni Carl Martin Faannessen, Managing Director ng Abojeb.

Upang matulungan ang mga marino na manatiling konektado sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas, maibsan ang pagkabagot at lungkot at mapalapit sa kanilang mga mahal sa buhay, inilunsad kamakailan ng Globe ang Globe Seafarer SIM, na may special rate sa pagtawag at pag-text.

Sa pamamagitan ng Globe Seafarer SIM, matatawagan na ng mga marino ang mga Globe o TM
numbers ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas sa murang halaga na P30 kada minuto at P10 naman kada text habang sila ay nasa abroad. Ang SIM ay may pre-activated international roaming feature na may bisa sa loob ng isang taon, at kada buwan sa loob ng isang taon, may libreng lima (5) na international text ang Globe Seafarer SIM na magagamit sa pagtext sa mga Globe/TM na mga numero mula sa mahigit 50 destinasyon.

Bukod dito, pwede ding makapamili ang mga marino ng mga regalo para sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas sa pamamagitan ng Sarisari.ph, isang eGifting online channel.

Ang Sarisari.ph ay isang “virtual marketplace” kung saan ang mga overseas Filipinos  ay maaaring mamili at magpadala ng mahigit sa 170 brand ng eGift para sa kanilang  pamilya saan man sa Pilipinas sa pamamagitan ng tatlong paraan: online, international retailer at remittance company tulad ng PayRemit.

“We are aware of the pain points of our seafarers and their loved ones that is why we are continuously looking for ways to enable them. We will also provide seafarers with a convenient way to shop for their families in the Philippines through Sarisari.ph which they can use to send instant gifts,” sabi naman ni Jurist Gamban, VP for Strategic Marketing, Globe International Business Group.

Sa pagbibigay suporta sa mga pagdiriwang ng Abojeb Group—na binubuo ng Jebsen Ship Management, Jebsens Maritime, Jebsens Orient Shipping Services, at Abojeb Manpower Solutions—umaasa ang Globe na ang mga marino at iba pang mga OFW, kasama ng kanilang mga pamilya, ay makakaranas din ng saya ng pagdiriwang ng Pasko kapiling ang isa’t-isa sa kanilang mga tahanan.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply