Grabeng pamba-bash ang inabot ni Andrea Torres mula kay @juasdweras

SA Twitter ay ito ang panglalait ng basher kay Andrea: “In case na wala pang nagreremind sa’y. Rere-mind na kita. Malandi ka, ‘di ka maganda. Wag kang feelingera, Hindi ka si @marianrivera! Pa-close ka kay Ms. Rita Avila na nanay-nanayan ni Marian. Diyosko dai yung ganda ni Marian walang retoke hindi katulad mo na kailangan pa dumaan sa salamat doc at makapal na makeup para gumanda lang! gets mo na ha puro close up lang d mo nakita siguro yung video ni Marian yung video niya bts post ni Mark Nicdao ang ganda girl ang layo sa retokada mong ganda! Ka ilang anngulo lol.

“Remind lang din kita, wala akong pakialam,” mataray na sagot ni Andrea.

Hindi pa ba obvious na isang Marian fan ang basher ni Andrea?

We would like to remind @juasdweras na maraming nagparetokeng artista. Why zero in on Andrea? Why singer her out? Bakit hindi mo pagmumurahin ang mga retoke doctors dahil sila naman ang dahilan kung bakit maraming nagpaparetoke?

Remind lang din kita, @juasdweras, ‘yung idol mong si Marian ay ang daming nakaaway at isa na rito si Heart Evangelista.

Eto resibo: “Heart on Marian issue: I’m the victim”, Thursday July 21, 2011, Unblogged by PhilStar Global.

“She confronted me twice in my hotel room. Nagulat po ako na galit na galit sya, at sinigawan nya ako. Takot na takot ako. I started to cry,” an emotional Heart narrated.

“Sinabi lang po niya (Marian) sa akin na isang text lang po niya sa fans niya, papatayin nila ako,” she recounted.

“Katulad ng ibang [pauses] hmm, siguro in the past, kawawa raw kasi umiyak sila kasi pinapahiya ng fans (niya).”

***

Nagbigay ng saya sina Liza Soberano at Enrique Gil sa mga matatanda sa San Lorenzo Ruis Home for the Elderly noong December 16.

Birthday kasi ni Liza and she wanted to spent it meaningfully at napili niya ang mga elders para pasayahin.

“It’s a lovely tradition of hers whenever her birthday comes. She will always be loved because she knows how to give back in her own ways all the time. God bless you, Liza,” said one fan.

“Bait talaga ni Liza & Enrique din na very supportive too. I saw some videos, sobrang sincere and masaya sila sa visit nila. God bless you more, LizQuen. You make a lot of people happy,” said another fan.

Pero may mga nambasag as this one said, “Sana mga charity events wala ng pamedia media diba. Mas sincere kasi tumulong without cameras.”

“There was no media around. All the pics posted are either from her manager or private individuals. Some people really like to insinuate/insert malice where there is none. Such negativity haist,” sagot ng isang LizQuen fan.

We also saw a video that captured Liza and Enrique walking the sidewalk and giving some goodies sa mga matatandang nakatira sa sidewalk. Tuwang-tuwa ang mga matatandang nabigyan nila ng tulong.

With their kindness, hindi kami magugulat kung maging big hit ang latest soap nilang Bagani na ipalalabas na next year sa ABS-CBN. UNCUT/ALEX BROSAS

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply