Green Archers nakatabla sa serye vs Blue Eagles

HINDI pumayag ang La Salle Green Archers na masungkit na ng Ateneo Blue Eagles ang kampeonato ng UAAP Season 80 men’s basketball matapos maitabla sa 1-1 ang kanilang best-of-three finals sa iskor na 92-83.

Nakapagtala ng 40-11 run ang Green Archers para mahabol ang 28-49 deficit at maitala ang kalamangan 68-59 lead sa pagpasok ng fourth quarter.

Nagningning sa laro si Ben Mbala na nakapagtala ng 20 points, 16 rebounds, tatlong steals at apat na blocks habang mayroong 13 points naman si Andrei Caracut.

Nakalamang pa ang Blue Eagles ng 32-13 sa unang quarter hanggang maitala ang 21 points na kalamangan sa may natitirang mahigit na tatlong minuto ng second quarter.

Inaasahan naman na mas lalong magiging matindi ang laro na ipapakita ng dalawang koponan sa Game 3 na gaganapin sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply