Huwag nang intrigahin ang closeness!

BAGAMAT madalas makitang kasama ni Pia Wurtzbach ang boyfriend niyang si Marlon Stockinger, hindi naman ito nagnanakaw ng eksena.

Nasa isang tabi lang ito nu’ng makita namin sila sa launching ng Empire Group of Companies.

Nandoon lang siya na nakaupo at naghihintay kay Pia. Hindi rin ito sumasawsaw habang ini-interview ang Miss Universe 2015.

Pangiti-ngiti lang si Marlon kahit naririnig niya na siya na ang pinag-uusapan sa interview.

Hindi na siguro dapat intrigahin kung nakabuntot man si Marlon sa lakad ng girlfriend dahil hindi naman ito pumapapel.

Hayaan na sila na ini-enjoy nila ang isa’t isa na magkasama.

Normal lang ding isama ni Pia ang bf na manood ng “The Revenger Squad” kaya ‘wag nang tawagin si Marlon na anino lang ng actress-beauty queen. At least, nandoon si Marlon para suportahan ang first movie ng kasintahan.

-0o0-

Tinatarget ni Piolo Pascual na makatrabaho ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach sa isang pelikula. Pero nakadepende ito sa schedule nila.

Magiging abala kasi si Papa P sa bago niyang soap bukod pa sa guesting niya sa “Home Sweetie Home”.

Matagal nang magkaibigan sina Piolo at Pia since ‘Bora’ days pa. Natutuwa nga siya na malayo na ang narating ng beauty queen.

Talbog!

-0o0-

Mas mabuti na ‘yung nakatutulong kesa walang ginagawa para tumulong.

Ginagawan pa kasi ng issue kung bakit tambak ang pictures nina Liza Soberano at Enrique na namigay ng pagkain sa mga nakatira sa kalye.

Nawalan raw ng sinseridad at nagmukhang publicity slant dahil nagkalat ng larawan sa social media.

Wala namang pinu-promote ang dalawa kaya hindi kami naniniwala na pampublicity lang ang ginagawa nila.
Buti nga, nagsi-share ng blessings ang LizQuin.

Naniniwala rin kami na hindi rin dapat itinatago pag tumutulong para pamarisan din sila ng mga nakaluwag-luwag sa buhay.

At least, maraming bata sa kalye na napasaya at naibsan ang gutom dahil sa ginawa nina Enrique at Liza, huh!

-0o0-

Bakit kailangang panoorin ang “All Of You” nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay na showing na ngayon sa Metro Manila Film Festival?

Kakaibang love story ito na maraming hugot. Hindi ito pangkaraniwang napanonood sa mga mainstream movie.

Ito rin ang best performance ni Jennylyn Mercado. Talagang gumagalaw ang acting sa kanyang character at nabigyan niya ng justice ang kanyang role bilang Gabriel.

Hinayaan rin ni Direk Dan Villegas na lumutang ang galing ni Derek Ramsay lalo na sa confrontation scene nila ni Jennylyn.

Parang walang cut at edit. Mapamumura ka na lang sa husay nila sa batuhan ng dialogue.

Makare-relate ka rin sa movie lalo na ang mga magkasintahan, mag-dyowa, mag-asawa at magka-live in. Realistic ang script at mga dialogue.

Balanse rin ang mararamdaman paglabas ng sinehan. Hindi kasi totally na iyakan, serysohan, kiligan at tawanan.

Basta kumpleto ang mararamdaman pag napanood ito at paglabas ng sinehan.

Hindi ka na rin magtatanong o magpapaliwanag kung bakit ganun ang ending. Uuwi kang may dalang pag-asa sa buhay at pag-ibig.

Kung laking 90’s ka makakarelate ka rin sa kantang ‘Dying Inside’ at maaalala mo ang mga memories ng 90’s.

Nakae-LSS rin pag napakinggan ang kantang ito.

Anyway, bukod kina Jennylyn at Derek, kasama rin sa “All Of You” sina sina Solenn Heussaff, Rafael Rosell at Sam Milby.

Featuring Yayo Aguila, Hannah Ledesma, Nico Antonio, Kean Cipriano, Enzo Marcos, Via Antonio atbp.

Ito ay prodyus ng Quantum Films, MJM Productions, Globe Studios at Planet Media Productions. XPOSED
ROLDAN CASTRO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply