ILIGAL ANG REFUGEE VISA

MARAMING Filipino ang kasalukuyang masarap ang buhay sa Japan. Sila ‘yung mga suwerte na nakapasok sa nasabing bansa na ngayon ay matatag na ang buhay.

Marami ang may sarili nang pamilya roon, nakapag-impok at nakapagtayo ng mga sariling negosyo.

Marami na ring kabataan ang naroon bilang mag-aaral na mayroong ligal na student visa.

Binigyan sila ng pagkakataon ng gobyernong Japan na makapagtrabaho ng tig-apat na oras kada araw para masuportahan ang kanilang sarili habang naroroon.

Ilan sa mga nagtapos na ay ayaw nang magsiuwi. Bakit pa nga ba eh nakakita sila ng pormal na trabaho na may malaking suweldo!

Marami rin tayong nakahalubilo at nakausap na halos 20-30 taon ng naroroon at tila ayaw na rin umuwi sa ating bansa.

May mga driver, caregiver, househelper, yaya, etc, ng mga diplomat at negosyanteng dayuhan doon.

Mataas ang uri ng pamumuhay sa Japan.

Kahit mataas at malaki ang iyong suweldo kung hindi ka naman marunong dumiskarte para makatipid, para ka lang narito sa Pilipinas na magastos at kinakapos sa budget.

Sa kabila ng magandang buhay at pagkakataon, nakaharap at nakausap din natin ang maraming biktima ng kapwa Filipino natin na kung gatasan ang mga kawawang biktima, mga kababayan natin, ay kaliwa’t kanan. Sagaran ha.

Masakit pa, kahit hindi tayo kuwalipikado, ikinukuha ang mga baguhan natin na kababayan doon ng REFUGEE VISA?

Iligal ito dahil wala naman giyera sa atin maliban sa nagdaang terorismong ginawa ng MAUTE-ASG Kailan lang.

Tapos na. Anong refugee visa pa?

Iligal sa mga Filipino na manirahan sa Japan na ang estado ng kanilang visa ay REFUGEE.

Ito’y para lang sa mga bansa na noon pa man hanggang ngayon ay may digmaan.

Papaano naikuha ng REFUGEE VISA ang mga bagong sampa sa Japan?

May ipinakita sa atin na dokumento na ginawa ng mala-demonyong Filipino.

Sila raw ay brokers na sa atin ay illegal recruiters. Sila ‘yung isinumbong natin noon kay Labor Sec. Bebot Bello at Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Iisa ang dahilan nila. Giyera sa Marawi City!?!? !!@#$%^&*())(*&^%$#@!!!! Dapat silang walisin! BALETODO/ED VERZOLA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply