Inggrato raw at feelingero si Jeric Gonzales!

WALA nang kakaba-kaba ang mga pretty ladies na mga co-host ni Willie Revillame sa show nilang Wowowin dahil hindi aprobado ng mga execitive ang pagiging co-host sana ni Willie si Kris Aquino dahil sa kinasasangkutan raw na kontrobersiya ng pamilya nito.

Sobrang negatibo ang dating at reaksiyon at opinion sa pahayag ni Kris na malaki ang utang na loob ng mga Pilipino na kung hindi raw dahil sa ama nito ay hindi magkakaroon ng demokrasya ang Pilipinas at ang ama lamang ang tanging nagkaroon ng bayag na labanan ang magiting na dating Presidente na si Ferdiband R. Marcos, na nag-iisa lang ang kanyang ama.

Biglang nalaglag sa sahig ang kilay ng pro-Marcos na si Aling Rosenda, ang pambansang tagahanga. Ang lakas raw ng loob na sabihin ito ni Kris na tipong nagyayabang.

Utang na loob raw nating mga Pilipino na nagkaroon ng freedom of speech, freedom of expression and freedom of the press today.

Ngayon, pwede ng idagdag sa kanyang titulong Queen of all Media ang Queen of Kayabangan, say pa ni Aling Rosenda. Pero sayang din sabi ng nag-iisang fan ni Kris sa grupo ni Apol as in Apolonia. Sana raw, nakapag-guest host man lamang si Kris kahit isang linggo lang sa Wowowin kung may karapatan siya sa musical game show ni Willie na ang lalakas ng energy nang mga pretty ladies roon. eksakto!

-0-

Merong writer ang naghihinanakit rito kay Jeric Gonzales na kababalik lamang muli sa teleserye sa Kapuso network. Ilang beses na raw nitong isinusulat ang starlet acor ay ni ha ni ho ay hindi marunong magpasalamat man lamang kaya mula raw ngayon, maisulat man siya hindi niya babanggitin ang show kung saan kasali ito. Aray ko!

Mas malupit ini na walang banggitan ng programa o ano mang activities. Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply