ISABELLE PHOTOS NAGPATINGKAD SA PALASYO

NAG-INGAY na naman itong mga kritiko ni Pangulong Duterte nang kanilang matunghayan ang pre-debut photoshoot ng kanyang apo na si Isabelle sa Malakanyang.

Kesyo “wala raw sa lugar” ang paggamit ng Tanggapan ng Pangulo sa ganoong pribadong okasyon at nakamamangha raw ang maluho na pananamit na itinambad sa naturang pictorial.

Ipinakita lamang nila kung gaano kababaw ang kanilang kaligayahan at pati ang kabataang miyembro ng Duterte family ay pinatulan at ginawang isyu.

Ang wala sa lugar ay ang malisyoso at bias na pananaw ukol sa pagkatao at pamamahala ni Manong Digong.

Unang-una, wala namang ginastos ang gobyerno sa photo-shoot na iyon o sa nakatakdang debut ng presidential granddaughter.

Wala ni singkong-duling ang galing sa pondong-pampubliko.

Ikalawa, wala ring batas na nalabag sa paggamit ng naturang venue ng isang miyembro ng pamilya ng Pangulo.

Sa katunayan, angkop na angkop ang mala-prinsesang karikitan ng dilag na nagpatingkad sa kagandahan ng Palasyo.

Importante ang okasyon na ganyan para sa Unang Pamilya.

Iyan ay naisagawa na noong mga nakaraang dekada at lalo na sa ibang bansa.

Ipinagmamalaki lamang ni Isabelle ang kanyang pamilya at mga accomplishment ng liderato ng kanyang Lolo Digong sa loob ng isat kalahating taon.

Ang buong katotohanan ay gusto lamang ilihis ng mga hudas na dilawan ang isyu sa P3.5 bilyon Dengvaxia plunder case laban sa mandarambong na opisyales ng nakaraang administrasyon.

Umaalingasaw na ang baho ng administrasyong Noynoy kaya kung ano-anong pagngangawngaw ang ginagawa nila kahit sa anong isyu!!! DEADSHOT/ERWIN TULFO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply