K-Pop singer nag-suicide

PATAY ang isang miyembro ng Korean K-Pop band matapos itong matagpuang walang malay sa loob ng kanyang tirahan sa South Korea.

Hindi na nagawang ma-revive pa ng mga doktor ang 27-anyos na biktima na kinilalang si Kim Jong-hyun o Jonghyun, miyembro ng grupong Shinee.

Sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ng kanyang kapatid na babae ang walang malay na singer sa loob ng apartment nito sa Cheongdam-dong kaya’t tumawag ito ng ambulansya.

Nang datnan ng mga paramedics, agad itong dinala sa pagamutan kung saan ito isinailalim sa CPR.

Gayunman, hindi na nagising ang mang-aawit.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkamatay ng biktima. Sinisilip ang anggulong suicide sa pagkamatay nito.

Diumano, makailang-ulit na nakatanggap ng text message ang kapatid na babae nito mula kay Jonghyun na mistulang nagpapaalam na.

Si Jonghyun ay lead singer ng 5-member group na Shinee.

Isa sa kanilang sumikat na kanta ang ‘Replay’ na kanilang debut single na lumabas noong 2008. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply