Kakaiba ang taglay na charisma!

ANG damdamin ng mga kaibigan ni Kakai Bautista, literal na nagpupumiglas. Maligaya silang lahat, galak na galak talaga, huh! Bakit kaniyo? Matapos kasi ang 100 years na pandedeadma sa kanya ni Mario Maurer, ang Thai heartthrob at superstar na humopia, mani, pop corn ang babaing bakla, tila on cordial terms muli ang dalawa.

Si Maurer, may major, major post na paanyaya at pasasalamat sa kanyang social media site, “My bro new song ‘Party Like A Freak’ featuring Kaki Bautista coming this 14 December on you tube @marco.maurer @iloveyoukaye don’t forget to check it out guys!”
Ang reaksyon ni Baustista dito, “thank yoy mari!”

Hindi ba nakatutuwang mapagtanto na una, kahit hindi natuloy ang pagsagpang ni Kakai kay Mario, dahil nga it was a case of siya lang ang nagmahal, hindi naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Marco, ang only brother ni Maurer na isang pop rock artist sa Thailand.

Kainaman ring isipin na emotionally mature na talaga ang dental diva sa pagtanggap sa katotohanan na Mario is a million miles away for her, totoo, pero pwede pa nilang isalba ang kanilang pagkakaibigan or naisalba na nila talaga.

Maging malaking hit sana sa Thailand ang nasabing kanta at malay mo, malay ko, malay nating lahat, makapunta muli si Bautista sa bansang sinilangan ni Mario at makapag-promote.

If the Universe conspires for this to happen in the nearest future, ang masasabi ko lang, iba talaga ang alindog, karisma at talent ni Kakai Bautista.

Sa kanilang pagkikita muli ni Mario, ano kaya ang bagay na theme song, Starting Over Again ni the late Natalie Cole? O mas pasado ang Reunited mula sa disco duo na Peaches and Herbs o para mas pasok sa panlasa ng mga descamisados, Muling Ibalik Ang Pag-Ibig ni April Boy Regino?

‘Pag nakita o nakasalubong itong si Kakai, ipupunas ko talaga ang panyo ko sa kanya para naman mahawa ako at mabigyan kahit kaunti ng taglay niyang pambihira.

***

Makatutulong pa ba sa kredibilidad ni Atak Araña ang mariin niyang pagtanggi tungkol sa alleged acts of lasciviousness na ipinaratang sa kanya?

Ang tanong, the WHO or finality the WHO si Ata? Yun na! To refresh your memories, my dear Remate readers, ang baklang komedyante ay dating one of those bekibels that pollute most of the late direk Wenn Deramas’ movies. Kung hindi comic relief, side kick, kontrabida na dapat nakatatawa. May natatawa ba naman?

Nung si direk Wenn ay ginetlak na ni Lord, nakapagkandirit si Atak sa Kapuso Network at naging one of the regulars sa Sunday PINASaya. Okay na sana ang kanyang karera hanggang sa mangyari ang kahindik-hindik na alegasyon mula sa binatang busilal, si Mark Christian Macavinta.

Ayaw raw nitong ibenta por kilo ang kanyang party hotdog, hindi siya karne at lalong hindi siya pakain kaya ang diumano’y pagyakap, paghalik, at panghihipo ni Atak sa private part niya ang naging dahilan kaya timbog ang bekibels at ilang araw ring nasa loob ng piitan.

Ayon sa report mula sa isang entertainment portal, pormal nang naghain ng not guilty plea ang komedyante sa Parañaque Metropolitan Trial Court kamakailan, December 8 kasama ang kanyang legal counsel, si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque.

Pahayag ni Atak sa entertainment portal panayam, “Hindi ko po ginawa sa kanya yun dahil alam kong mali yun. Malinis ang konsensiya ko, e. Hindi naman tulog ang Diyos at alam ko na the truth shall prevail.”

Ang kanyang version of the truth, fast forward na sa masilmuot na kaganapan, ni hindi raw siya naalalayan ni Mark sa pagbuhat ng kanyang bag. Dumiretso raw si Mark sa lugar ng bintana at nagsabing maganda ang ibinigay na complimentary room sa komedyante. Bago tuluyang lumabas ng kuwarto, nakapagpapirma pa raw ng luggage tag receipt si Mark kay Atak.

Ang eksenang niyakap, hinalikan, at hinipuan diumano ng komedyante ang bell assistant, hindi naganap at all. Mariin ang pagtanggi ni Atak tungkol dito.

Ang pahayag naman ni Atty. Abraham-Garduque. “Nagulat si Atak dun. Even the allegation ng complainant, if mababasa niyo yung sinumpaang salaysay niya, sinabi pa niya bago siya umalis, nakapagpapirma pa siya ng luggage tag. So, para sa amin, kung talagang may krimen na nagawa, kung halimbawa nahawakan yung private part niya…”

Say pa ni Attorney, “Ang sa amin, kung may ganun talagang nangyari, napaka-unusual naman na makapagpapapirma ka pa ng luggage tag. Dapat yun siguro, baka nasaktan pa niya si Ronnie kung talagang may ganung pangyayari o kaya tumakbo siya. Hindi ka na makaiisip na magpapirma pa ng luggage tag.”

Alam niyo na ngayon ang panig ni Atak. Alam niyo na rin ang bersyon ni Mark. Magprosper kaya ang kaso ito, o sa mediation, magkaka-ayos rin ang dalawa?

Kaabang-abang o kahikab-hikab? My dear Remate readers, spin a win! AS IF/ALWIN IGNACIO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply