Kanong pedophile, nagbigti sa sinturon

SA pamamagitan ng sinturon, isang American national na pedopilya ang nagbigti sa loob ng kanyang selda sa Cebu kaninang Miyerkules ng madaling-araw.

Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI)-7 Regional Director Patricio Bernales, nakita na lamang ang suspek na nakilalang si Jessie Goldenfenni, alyas Jamie Patterson, JP o Daddy at tubong Massachusetts, USA, na wala ng buhay sa loob ng kanyang selda at nagbigti gamit ang kanyang sinturon.

Bago ang insidente, hinuli si Goldenfenni matapos makatanggap ng reklamo ang NBI tungkol sa pagmomolestya ng mga bata sa kanyang sasakyan kapalit ng manika o teddy bear.

Paliwanag ni Bernales, dadalhin ni Goldenfenni ang mga bata sa kanyang bahay sa isang subdivision sa Lungsod ng Talisay sa Cebu at doon ay paghuhubarin saka uutusang laruin ang kanilang pribadong parte ng katawan sa harap ng camera.

Nabatid na umabot na sa limang menor-de-edad ang nabiktima ng banyaga at palipat-lipat ito ng bansa kagaya sa Vietnam at Nicaragua.

Sa ngayon ay ipinoproseso na ng mga awtoridad ang dokumento ng dayuhan upang maipadala ang bangkay nito pabalik sa kanyang bansa. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply