Kapitan todas sa riding-in-tandem

PATAY ang isang barangay chairman nang barilin ng riding in tandem sa Tondo, Manila kaninang madaling-araw.

Hindi na umabot pang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Randy Reyes, nasa hustong edad at chairman ng Bgy. 104 Zone 8 dahil sa tama ng bala sa katawan.

Habang sugatan naman ang tricycle driver na si Rodel Mariano na pinagbabaril din ng mga suspek at tinamaan ng dalawang bala sa tagiliran.

Ala 1: 00 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa J.P. Rizal St., Tondo, Maynila.

Sa inisyal na report ng pulisya, katatapos lang ng party at nakatayo ang biktima sa nasabing lugar nang sumulpot ang riding-in-tandem saka pinagbabaril ang mga biktima.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo ng pagpaslang. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply