Karamihan sa kongresista aprub sa martial law extension

PABOR ang nakararami sa mambabatas na palawigin pa ang martial law sa Mindanao sa loob ng isa pang taon.

Ito ang sintimyentong lumabas sa isinagawang caucus sa Kamara kasama ang security officials ng Duterte Administration.

Tumagal ng 3 oras ang caucus at ayon kay House Majority Leader Rodolfo Farinas na base sa resulta ng caucus ay inaasahan na nila na maaprubahan sa gagawing joint session bukas, (Dec. 13) ang martial law extension na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso.

Ang joint session ay gagawin sa kauna-unahang pagkakataon sa Kamara bukas at joint voting ang magiging sistema ng botohan.

Sinabi ni Fariñas na dadalo rin sa joint session bukas ang mga security officials ng gobyerno at ang mga cabinet officials upang sa oras na may katanungan kaugnay ng mga usapin sa martial law extension, kanila ito kaagad masasagot at maliwanagan. GAIL MENDOZA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply