KD triple-double sa panalo vs Hornets

SINALO ng season-high na 35 points, 11 rebounds at 10 assists ni Kevin Durant ang pagkawala ni Stephen Curry upang gibain ng Golden State Warriors ang Charlotte Hornets sa iskor na 101-87.

Sumuporta rin ang pagpapaulan ng basket ni Klay Thompson na may 22 points, kasama na ang apat na triples para sa Warriors.

Sa kampo ng Hornets, kumamada naman ng 24 points si Kemba Walker samantalang tumulong din sina Nic Batum at Dwight Howard sa ipinasok nilang 15 at 14 markers, ayon sa pagkakasunod.

Nakaligtas ang Warriors sa panggigipit ng Hornets sa unang bahagi ng laro nang magpasiklab sila sa huling bahagi ng second quarter na umabot ang abanse sa 26, 48-22.

Nagawa pa ng Charlotte na tapyasan ang lamang ng kalaban sa pito sa huling yugto ngunit napigilan sila ng Golden State sa pamamagitan ng kanilang 14-3 counter.

Ang Detroit Pistons ang makakatunggali ng defending champion na Warriors sa Sabado.

Habang ang Chicago Bulls naman ang makakatunggali ng Hornets sa araw ng Linggo. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply