Kelot nagpuslit ng marijuana, timbog sa Cebu

TIMBOG sa Pier 3 ng Cebu City ang isang lalaki matapos tangkaing magpuslit ng droga.

Kinilala ang suspek na si Louie Aupe, 33.

Ayon sa mga awtoridad, papasakay sana si Aupe sa bangkang patungo ng Bohol nang ito’y maharang ng isa sa mga X-ray operator sa pantalan.

Nilapitan umano ng operator si Aupe para tanungin kung ano ang laman ng kanyang bag. Sa una ay nagpalusot ang suspek at sinabing basura lamang ang laman nito.

Ngunit nang tingnan ang laman ng bag ay nakitang marijuana na nakabalot sa papel.

Depensa naman ni Aupe, mayroon siyang cyst at ginagamit niya ang marijuana bilang gamot. -30-

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply