Kelot sinaksak ng ex-BF ng ka-table, kritikal

NASA kritikal na lagay ang isang kustomer sa KTV Bar matapos saksakin ng lalaki na nagselos makaraang makita ang kanyang dating live-in partner na nakaupo sa mesa ng biktima sa Valenzuela City, kagabi.

Patuloy na pinaghahanap ng pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas ‚ÄúNono‚ÄĚ na mabilis na tumakas kasama ang dating live-in partner na si Mary Carolyn Delilio matapos ang pananaksak kay James Erlando, 47, ng 3029 F. Bautista St., Brgy. Ugong, na isinugod naman sa Valenzuela Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan.

Ayon kay Valenzuela police chief S/Supt. Ronaldo Mendoza, unang umiinom ang biktima kasama ang kanyang bayaw na si Christopher Daluperi sa loob ng Dumaguetena KTV Bar sa F. Bautista St., Brgy. Ugong nang umupo sa kanilang mesa si Delilio at Shaina Tano, kapwa guest relation officers (GRO) at humiling ng dalawang bote ng ladies drink.

Habang sila ay umiinom, dumating naman ang suspek dakong 9:30 ng gabi at nagtanong sa waiter na si Rolando Carino, kung nasaan ang kanyang dating live-in partner.

Nang ituro ni Carino si Delilio na nakaupo sa mesa ng mga biktima, nilapitan ng suspek ang dating ka-live-in at hiniling nito na sumama sa kanya subalit tumanggi ang babae at niyaya ang dating lover sa pinto kung saan sila nag-usap.

Makalipas ang ilang munito, bumalik ang suspek sa mesa ng mga biktima at walang sabi-sabing tinarakan sa dibdib si Erlando bago tumakas kasama si Delilio. RENE MANAHAN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply