Kelot tepok sa tangkang pagnanakaw sa parak

PATAY noon din ang isang lalaki matapos itong mabaril ng pulis na dapat sana’y pagnanakawan nitong motor sa Javier Legaspi Bridge, Brgy. Maybunga, Pasig City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang lalaki.

Ayon kay Sixto Balceta na isang baragnay tanod, hinoldap ng lalaki na may dalawa pang kasamahan si PO1 Lester Galong.

Nang malaman na pulis pala ang dapat sana’y bibiktimahin ay agad na tumakas ang dalawa, ngunit sinubukan pa ng suspek na labanan ang pulis gamit ang kanyang dalang balisong.

Nagkahabulan pa ang suspek at ang pulis hanggang sa Javier Legaspi Bridge kung saan nakorner ang suspek.

Dalawang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng suspek, habang nagtamo naman ng sugat si Galong dahil sa pagsuntok sa kanya ng holdaper. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply