Kiefer Ravena, kuminang sa panalo ng NLEX vs Kia

NAGPAKITANG-GILAS agad ang rookie ng NLEX Road Warriors na si Kiefer Ravena para talunin ang Kia Picanto, 119-115.

Nakapagtala ang 6’1 na produkto ng Ateneo Eagles at ilang ulit na rin naging miyembro ng Gilas Pilipinas ng 18 points, 12 assists at 7 rebounds.

Dahil sa ipinakita nitong galing, umani siya ng papuri sa kanilang coach na si Yeng Guiao na sinabing malayo ang mararating ng anak ng dati rin PBA player na si Bong Revena.

Sinabi naman ng two-time Most Valuable Player (MVP) na naging suwerte lamang ang kanyang paglalaro matapos maipasok agad ang kanyang nga unang tira.

Hanga rin ito sa kanilang coach dahil sa pagpupursige sa mga manlalaro para manalo sila sa laro.

Sa pangalawa namang laro, binigo ng Magnolia Hotshots ang Alaska Aces, 108-95, sa kanilang unang laro sa PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo si Paul Lee na nakapagtala ng 30 points habang mayroong 15 points si Bambam Gamalinda at 13 points, 10 rebounds naman si Ian Sangalang.

Nakapagtala naman ng nine points at seven rebounds ang rookie na si Robbie Herndon kahit na ito’y mayroong back spasm.

Ayon kay Magnolia coach Chito Victolero, nagbunga ang kanyang mga bilin sa mga manlalaro na tapatan nila ang lakas at bilis ng mga Alas. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply