KITA NG CALOOCAN UMANGAT NANG 22%

TUMAAS nang 22% ang kita ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa ilalim ng liderato ni Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan sa unang anim na buwan ng 2017 dahil na rin sa kooperasyon ng lahat ng sektor sa siyudad lalo na ang Sangguniang Panlungsod na pinamumunuan ni Vice Mayor Maca Asistio III.

Batay sa tala ng City Accountant Office, umabot sa P3, 165, 999 ang kita ng lungsod mula Enero hanggang Hunyo 2017 kumpara sa halos P2.6-bilyon at P2.4-bilyon na kita nito sa katulad na semester noong 2016 at 2015.

Tama lang na bigyang-kredito ni Mayor Oca ang mamamayan na tapat na nagbabayad ng buwis at tunay na umaagapay sa pagsulong ng Caloocan.

“Malaki ang pasasalamat natin sa ating taxpayers, sa mga katuwang natin sa business sector at sa lahat ng nakaambag sa pagpapaganda ng ating lungsod. Tiyak na magagamit ang tulong ng bawat mamamayan sa pagpapaunlad ng Caloocan,” ani Mayor Oca.

Mula sa simula ng kanyang panunungkulan bilang ama ng lungsod, tinutukan na ni Mayor Oca ang imprastraktura sa Caloocan.

Maliban sa mga kalsada, ilan lamang sa mga ito ang Caloocan City North Medical Center, Amparo Nature Park, City Sports Complex at ang bagong City Hall Complex sa 8th Ave., Grace Park.

Ang mga nabanggit na proyekto ang resulta ng mga buwis na binabayaran sa lungsod at nagpalakas lalo sa tiwala ng taong-bayan kay Mayor Oca at sa kanyang administrasyon!

Naging prayoridad din ni Mayor Oca ang pagtataas ng antas ng serbisyo sa City Hall sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga tinatawag na fixers at pagsulong ng mas malinaw na pakikipag-transaksyon sa pamahalaang lungsod.

Siyempre nakatulong din sa pag-angat ng kita ng lungsod ang pagbibigay ng insentibo bilang paghikayat sa mga mamamayan at negosyante na maagang magbayad ng tamang buwis.

Nauna nang kinilala ng Philippine Chamber of Commerce and Industry ang Malapitan administration at ang lungsod bilang isa sa mga lugar na pinakamainam pagtayuan ng negosyo sa bansa. Galing! GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply