Kumita nang ma-pull-out sa mga sinehan!

MASAYA at malungkot itong aming friend na si Lito Reyes (better known in showbiz as Shalala Reyes). Masaya siya dahil fruitful ang kanyang career nitong 2017 dahil nagkaroon siya ng radio program at me bonus pang teleserye sa Kapamilya network, ang Pusong Ligaw. Nalulungkot siya dahil malapit nang magwakas ang nasabing soap sa buwan na ito ng Enero.

Itong week na ito ay nakapag-last taping na siya. Sad ang bru na mami-miss niya ang mga kasamahan niya sa Pusong Ligaw dahil para na raw silang iisang pamilya. Nang dahil sa permanente siya sa serye ay nabawasan ang kanyang mga raket dahil kung magtaping siya ay tatlong beses sa isang linggo. Nakapanghihinayang nga namang marami sanang raket nitong nakaraang Christmas Holiday at iyon ang isa sa na-miss ni Shalala.

Ang mga cast ng Pusong Ligaw ay sina Raymond Bagatsing, Joem Bascon, Diego Loyzaga, Enzo Pineda, Beauty Gonzales, Sofia Andres at Bianca King.

Balita namin magkakaroon din siyang bagong project sa Kapamilya network na sana naman ay sa sa sitcom siya mapasama at doon siya nababagay at maipamalas niya ang kanyang pagka-komedyante.
-0-

Marami kaming narinig na reklamo tungkol sa pag-pullout ng isang matinong pelikula na hindi man lamang pinatapos ang buong isang araw.

Hapon palang daw ay inalis na sa mga sinehan ang Pelikulang Musical na Larawan. Hinahanap namin iyang pelikula na iyon dahil hindi namin kayang makipagsiksikan doon sa pelikula ni Vice Ganda at Pia Wurtzbach na siyang nangunguna hanggang ngayon sa takilya. Pukpukan ngang masasabi na silang dalawa ni Coco Martin ang naglalaban kung sino talaga ang dapat tanghaling Takilya King.

Nakapanghihinayang na inalis na kaagad sa mga sinehan ang movie na Larawan kaya marami ang nagtaka na ang isang mahusay na istorya na sinulat ni Nick Joaquin ay basta na lamang inalis ng teater owners dahil raw mahina ito. Timing naman na pagbukas namin ng radio sa DZBB sa programang Double A sa Double B ay nananawagan sina Ali Sotto at Susan Enriquez pati na rin si Joel Reyes Zobel na ibalik na ang pelikula na kahit man lamang sampung sinehan para sa nag-iisang musical film na matino ha?

Para sa amin, hindi lisensiya ang film festival na para lamang sa mga bata. Kaya nga festival ay para sa lahat ng mga mahihilig sa pelikula. Kung ganun na rin lang, bakit hindi gawing Children Movie Festival para magkaroon sila ng exclusive na panonoorin? Huwag idaramay ang mga matatanda na gustong manood ng Ang Larawan na produced ni Girlie Rodis na siya ring President ng Culturtain Musical Production.

Sinusulat namin ang aming kolum, may dumating sa aming balita na naibalik na sa mga sinehan Ang Larawan sa second day ng festival bagama’t kunti lang ang mga sinehan ay marami rin ang mga manonood.

Kaya ganun na lang ang pasasalamat ni Ms. Rodis na ang kanilang pelikula is doing well rin naman pala. Kaya nga ang sinasabi namin na ang magandang pelikula ay hindi basta basta balewalain. Maganda raw ang production, kuwento sa amin ng nakapanood na at si Joanna Ampil ang bida. Si Joanna ay produkto rin ng musical play na Miss Saigon.

Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply