Libya pinababawi ang ‘hiring ban’ sa Pinas

NAKIUSAP ang gobyerno ng Libya sa Pilipinas na bawiin na ang ipinatupad na hiring ban sa mga Filipino worker.

Iginiit ng Libya na maganda na ang sitwasyon ng seguridad sa kanilang bansa noon pang 2014.

Ayon kay Libyan Embassy charge d’affaires Ahmed Eddeb, naiintindihan niya ang pagkabahala ng gobyerno ng Pilipinas sa seguridad ng mga Pinoy worker.

Kung kaya’t aniya, hinihikayat niya ang mga opisyal ng Pilipinas na muling isalang sa evaluation ang sitwasyon ng Libya.

Malaki aniya ang naitutulong ang mga Pinoy sa ekonomiya ng Libya partikular na sa oil fields at humanitarian assistance sa mga ospital at clinic.

Sinabi ni Eddeb na kung mapanganib pa rin sa Libya ay hindi naman nila iaapela ang pagbawi sa hiring ban.

Matatandaang noong 2011, aabot sa 10,000 manggagawa ang isinailalim ng gobyerno ng Pilipinas sa repatriation at karagdagang 4,000 noong 2014 matapos sumiklab ang civil war sa Libya. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply