LLDA GM MEDINA, PURSIGIDONG IPASARA ANG ILLEGAL DUMPSITE SA TAGUIG

PORMAL nang naghain si Laguna Lake Development Authority (LLDA), General Manager Jaime Medina sa Taguig Hall of Justice ng verified complaint laban sa isang iligal na tambakan ng basura sa lungsod ng Taguig Noong ika-7 ng Disyembre.

Bilang pagtupad sa kanyang mandato, hindi nagdalwang isip ang pinuno ng LLDA na wakasan ang operasyon ng iligal na basurang ito na pagmamay-ari nina Matea Perez, Raul Roldan, Noel Dionisio, ConstanciaCabansa at Paquito Delbo.

“Hindi na natin dapat payagang magpatuloy ang ganitong uri ng operasyon, lalo’t banta ito sa ating kapaligiran at kalusugan ng mga tao sa komunidad lalo na nasa paligid dito. Kailangan natin maging mabuting ehemplo at magparating ang mensahe na hindi natin kukunsintihin ang ganitong uri ng iligal na operasyon,” pagdidiin ni Medina.

CHILD CAR SEATS, ESPESYAL NA REGALO NGAYONG PASKO!

Hinihikayat ng New Vois Association of the Philippines (NVAP) ang mga magulang na ipagkaloob sa kanilang mga anak ang “child car seats” ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Ayon kay NVAP Road Safety Project Manager Einstein Rojas, upang makasigurong ligtas ang mga bata sa aksidente o pagkasawi ay ang pagbibigay ng “child car seats”, isang pinakamahalakang regalo na magagamit sa loob ng sasakyan ng kanilang mga anak.

“Wala ng mas importante pa kaysa sa buhay ng isang bata. Ang mapanatili silang ligtas, partikular na sa mga hindi maiiwasang aksidente sa kalye ay kinakailangang pagtuunan ng pansin sa darating na kapaskuhan,” turan ni Rojas.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 671 na mga batang may edad 0-14 ang namatay dahil sa aksidente sa daan noon taong 2006-2014.

Nangangahulugan lamang ito ang child car seats ay maituturing na secondary safety devices at idinisenyo upang maiwasan o mabawasan ang pinsala o pagkasawi sa oras ng aksidente. HILDA ONG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply