Lolang nagtitinda ng basahan, dedo sa trak

ISANG lola na naglalako ng basahan sa kalsada ang namatay nang masagasaan ng isang 10-wheeler truck sa Balagtas, Bulacan kaninang Huwebes ng umaga.

Namatay noon din sanhi ng pinsala sa katawan ang biktima na nakilalang si Lourdes Cañales, 70.

Nahuli naman at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek na si Pablo Lopez, drayber ng trak.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8 a.m. sa Balagtas, Bulacan.

Ayon kay Lopez, hindi niya napansin ang pagtawid ng matanda at nalaman na lamang niyang nahagip niya ito nang parahin siya ng mga lalaking nakaistambay sa lugar. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply