Lolo na-trap sa sunog, tigok

NATUSTA ang isang matandang lalaki matapos hindi ma-trap sa CR sa nasunog na bahay sa N. Garcia St., Brgy. Bel- Air, Makati City.

Ayon kay Supt. Roy Aguto ng Bureau of Fire Protection (BFP), sinubukang magtago sa CR ng lalaki sa pag-aakalang makakaligtas siya sa apoy pero dito na siya na-trap.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay alas-10:41 ng gabi at mabilis na itinaas sa ikalawang alarma dahil gawa sa light materials ang bahay.

Nadamay din ang isang katabing bahay ng nasunugan.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa pinagmulan ng apoy at inaalam pa ang kabuuang pinsala nito.

Maghahatinggabi nang tuluyang naapula ang apoy. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply