Lomachenko pinaayaw si Rigondeaux sa 6th round

PINAAYAW ni Vasyl Lomachenko ang kanyang kalaban na si Guillermo Rigondeaux at napanatili ang kanyang hawak na WBO super-featherweight title.

Sa sixth round naitala ang technical knockout kay Rigondeaux na ginanap sa Madison Square Garden sa New York, USA.

Pero taliwas sa inaasahan, hindi naging eksplosibo ang palitan ng suntok ng dalawang boksingero bagkus ay dinomina ni Lomachengko sa simula pa lamang ng laban hanggang sa round 6.

Halatang nasasaktan kapag tinatamaan ni Lomachengko ang 37-years old na Cuban fighter dahil iniipit nito ang halos dalawang braso ng kanyang kalaban at lagi rin nakaakap ito sa kanya.

Kaya naman bago magsimula ang round 7, sumenyas na si Rigondeaux sa referee na ayaw na niyang ipagpatuloy ang laban dahil sa hand at wrist injury.

Sa kapanayam kay Lomachenko, sinabi nitong hindi niya inaasahang umayaw ang kanyang kalaban at alam niyang maraming boxing fans ang nadismaya pero wala siyang magagawa kung umayaw ang kanyang kalaban. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply