Lonzo Ball nagregalo ng kotse sa magulang

BRAND NEW car ang iniregalo ni Los Angeles Lakers star Lonzo Ball sa kanyang mga magulang na sina Lavar at Tina ngayong Pasko.

Sa kanyang social media account, ipinakita ng NBA star ang biniling Rolls Royce na nagkakahalaga ng $350,000.

Hindi na baguhan sa mga mamahaling kotse ang mga magkakapatid na Ball dahil mayroon silang Lambourghini.

Marami ang pumuri sa ginawa ng Lakers rookie dahil naging tama lamang ang paggastos nito ng kaniyang $6-million sahod sa koponan kada taon.

Isa pa, si Lorenzo ay kilalang mabait na bata at mapagmahal sa kanyang tatay at nanay kaya naman sobra-sobra naman ang tinatamsa nitong biyaya mula sa Maykapal. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply