LPA sa Surigao, bagyo na sa loob ng 24 oras

LUMALAKAS pa ang binabantayang low pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Authority (PAGASA) na huli itong namataan sa layong 450 kilometers silangan ng Surigao City.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Samuel Duran, posibleng maging ganap na bagyo ang nasabing LPA sa susunod na 24 hanggang 48 oras.

Sa sandaling maging bagyo habang nasa sa loob ng bansa, tatawagin itong Urduja.

Dahil sa extension ng nasabing LPA, makararanas na ng pag-ulan sa Mindanao, MIMAROPA at ilang bahagi ng Visayas.

Tail-end ng cold front naman ang magdudulot ng pag-ulan sa Bicol region, Eastern Visayas, mga lalawigan ng Quezon, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Habang ang mga rehiyon ng Cordillera, Ilocos, nalalabing bahagi ng Central Luzon, Cagayan Valley, Aurora Province at Metro Manila ay apektado ng Northeast Monsoon. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply