Mag-asawa tinarakan ng kainuman, malubha

SUGATAN ang isang mag-asawa matapos saksakin ng kainuman ng lalaking biktima nang magkasagutan sa Tondo, Maynila kagabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center ang mga biktimang sina Ferdinand Espino, 57, vendor, at misis nitong si Leonora, 62, kapwa ng 1915 F. Varona St., Tondo.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Crisanto Diaz, 46, ng 1909 F.Varona St., Tondo.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Police Station 1, dakong 11:20 ng hatinggabi nang maganap ang insidentevsa eskinita ng F. Varona St.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Ferdinand at ng suspek sa hindi pa malamang dahilan.

Nakita ni Leonora ang pag-aaway ng mister at pagsaksak ng suspek kaya lumapit ito at inawat ang dalawa pero maging siya ay nasaksak rin ng biktima sa braso.

Kaagad na isinugod sa pagamutan ang mag-asawa na ngayo’y malubha ang lagay habang tumakas naman ang suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply