Mag-lolo, tepok sa pamamaril sa Navotas

TEPOK ang isang mag-lolo matapos pagbabarilin sa Brgy. Tangos, Navotas City.

Kinilala ang biktimang si Kenneth Maglunso, 15, at Fernando dela Cruz, 60.

Sa inisyal na imbestigasyon, away ng grupo ng mga kabataan ang tinitingnang motibo sa pamamaril na naganap bago mag-alas 11:00 ng gabi.

Nasangkot sa rambol si Kenneth kamakailan.

Bagaman napag-ayos na sa barangay ay nagbanta pa umano ang kaaway ni Kenneth na babalikan siya nito.

Kwento ni Jayjay dela Cruz, ama ni Kenneth, nagpaalam lang na bibili sa tindahan ang kanyang anak nang lumabas ito ng bahay.

Maya-maya pa ay nakarinig na sila ng mahigit limang putok ng baril.

Lumabas naman ng bahay si Fernando at umawat sa mga suspek pero sa halip na pakinggan ay dinamay din sa pamamaril ang lolo.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa krimen at hinahanap na rin ang isang alyas JR na suspek. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply