Magka-live-in inutas sa Caloocan

TEPOK ang isang live-in partner na nakasakay sa motorsiklo matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. 171, North Caloocan.

Kinilala ang mga biktimang sina Luisito Bandola, 45, at Edna Umali, 47.

Ayon kay P/Sr. Insp. Adonis Escamillan, posibleng may kinalaman sa droga ang motibo sa pagpatay sa dalawa dahil usap-usapan na mga tulak ang mga biktima.

Kwento naman ng saksi na si alyas Macmac, nakita niya na hinarang ang motorskilo na sinasakyan ng biktima ng naka-motorskilo ring gunmen.

Sa umpisa aniya ay nag-uusap pa ang mga ito nang bigla na lamang bumunot ng baril ang dalawang lalaki na nakamaskara at pinaputukan na ang biktima.

Tama sa ulo ang tumapos sa buhay ni Umali habang tama sa iba’t ibang bahagi naman ng katawan ang kumitil kay Bandola.

Samantala, narekober naman sa krimen ang siyam na basyo ng bala ng kalibre 9mm na baril at kalibre 45.

Nakuha rin mula sa mga biktima ang P9,300 na halaga ng pera at isang fake P1,000 habang inaalam pa ang tunay na ugat ng krimen. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply