Malacañang, bukas sa lahat ng nais mag-pictorial – Sec. Andanar

BUKAS ang Malakanyang sa lahat ng gustong mag-pictorial para sa anumang okasyon.

Ito ang tugon ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar sa mga bumabatikos sa pictorial ng apo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Isabelle para sa kanyang debut.

Ayon kay Sec. Andanar, bukas ang palasyo sa mga gustong mag-pictorial basta magpaalam lamang nang maayos tulad ng pagtiyak ni Pangulong DUterte noong maupo sya sa puwesto.

Kinontra rin ni Sec. Andanar ang mga nagsasabing inilagay ng naturang pictorial ang seguridad ng pamahalaan dahil inilantad nito ang loob ng palasyo.

Binigyang-diin ni Sec. Andanar na bukas sa publiko ang palasyo kaya walang nilabag na security measures ang pictorial ng apo ng pangulo.

Muli ring iginiit ni Sec. Andanar na walang ginastos ang pamahalaan sa pictorial at debut ng apo ng pangulo dahil kaya naman ng pamilya nito na tustusan ang birthday party nito. KRIS JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply