Mall sa Davao City, nasunog

ISA na namang sunog ang naganap sa isa pang mall sa Davao City.

Sumiklab ang apoy sa Robinson’s Cybergate sa lungsod, Martes ng madaling-araw.

Ayon kay Sr./Insp. Ma. Teresita Gaspan, tagapagsalita ng Davao city police, pasado alas-3:00 ng madaling-araw nagsimula ang sunog.

Posibleng ang nag-overheat na air-conditioning unit ang pinagmulan ng apoy.

Hindi naman na lumaki ang sunog at mabilis ding naapula.

Wala ding naitalang nasugatan sa insidente. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply