Mandaluyong shooting, iimbestigahang mabuti – Malacañang

SINIGURO ng Malakanyang na masusing iimbestigahan ng kinauukulan ang Mandaluyong shooting incident na nangyari kaninang umaga.

Ito’y makaraang mapaulat na diumano’y gumamit ng malakas na puwersa ang mga police authority.

Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, makabubuting ang lahat ng mga pulis na kabilang sa naturang insidente ay sisiguraduhing matatanggalan ng mga baril at lilimitahan ang kanilang mga galaw.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng siyam na mga pulis at dalawang barangay tanod na nasa kustodiya ni Mandaluyong City Police officer-in-charge Sr./Supt. Moises Villacerin.

Sila ang ilan sa mga sinasabing kaugnay sa nangyaring pamamaril sa isang AUV na napagkamalang getaway vehicle ng lalaking namaril sa Brgy. Addition Hills, ngunit sa katunayan sila ang magdadala sana sa ospital sa naunang biktima ng naturang pamamaril.

Sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director C/Supt. Oscar Albayalde, sigurado umanong matatanggal sa pagka-pulis ang mga dawit sa naturang insidente. KRIS JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply