Mandurukot na janitor, kalaboso

SWAK sa kulungan ang isang janitor matapos mang-umit ng wallet ng doktor sa loob ng Quezon City General Hospital, Brgy. Bahay Toro, Quezon City kaninang madaling-araw, Disyembre 14, Huwebes.

Kinilala ni Supt. Danilo Mendoza, hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa. ang suspek na si John Conrad Caparas, 20-anyos, ng Brgy. Pasong Tamo, QC.

Inireklamo ang suspek ng complainant na si Dra. Maricris Asuncion, doktora ng QCGH.

Ayon sa Talipapa police station 3, naganap ang insidente dakong 4:35 ng madaling-araw sa loob ng Quezon City General Hospital, Seminary Rd., Brgy. Bahay Toro, QC.

Sa ulat, a natutulog si Asuncion nang tangayin umano ng suspek ang kanyang wallet mula sa kanyang bag.

Nagising ang biktima dahil sa ingay at nakita nito ang suspek na si Caparas habang hawak ang kanyang wallet.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa security guard ng ospital at dinakip ang suspek.

Kasalukuyan nang nakapiit ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso. SANTI CELARIO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply