Marquez inalok ng $100M sa 5th fight vs Pacquiao

IBINUNYAG ni dating four-division champion Juan Manuel Marquez na tinanggihan niya ang $100-million offer para sa ika-limang laban kay Filipino boxer Manny Pacquiao.

Sinabi ng 44-anyos na Mexican boxer, matapos ang kanyang 6th round one-punch knockout kay Pacquiao noong 2012 sa ikaapat na paghaharap ay may mga negosyante sa Pilipinas ang nag-offer ng nasabing halaga para lumaban muli sa ikalimang pagkakataon pero sa Pilipinas ito gaganapin.

Hindi na siya interesado pa sa ikalimang laban dahil itinuturing ng Mexico na pinakamalaking panalo ang pag-knockout kay Pacquiao.

Aniya, hindi na matutumbasan ang nagawa nitong knockout kay Pacquiao noong 2012.

Magugunitang unang nagharap ang dalawa noong 2004 hanggang naulit ito nang apat na beses. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply