Martial law extension, iginagalang ng CHR

IGINAGALANG ng Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ng Kongreso na pahintulutan ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang Martial law sa Mindanao sa loob ng isa pang taon.

Ito’y kahit pa ilang beses nang ipinahayag ng komisyon ang kanilang pananaw laban dito.

Sa pahayag ng CHR, sinabi nila na inirerespeto nila ang prerogative ni Duterte, pati na rin ang boto ng Kongreso.

Gayunman, iginiit nila na kailangan pa ring ipagpatuloy ang pagsusulong na resolbahin ang mga kaso ng paglabag sa human rights.

Naniniwala rin kasi ang CHR na kaya ng mga pulis at militar na supilin ang mga banta ng terorismo at karahasan kahit hindi magpatupad ng Martial law.

Sa ngayon ay umaasa na lamang ang CHR na hindi mabahiran ng mga kaso ng paglabag sa karapatang-pantao ang pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao.

Responsibilidad na anila ng gobyerno na sundin ang mga safeguards ng Konstitusyon upang maiwasan ang mga pang-aabuso.

Kasabay nito, tiniyak naman ng CHR na babantayan nila ang pagpapatupad nito, at kokondenahin ang anomang uri ng pang-aabuso. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply