MARTIAL LAW EXTENSION SA MINDANAO, NAPAPANAHON

TAMA lamang ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palawigin pa nang isang taon ang batas-militar sa buong Mindanao.

Alam naman kasi ng lahat ng residente sa lugar na hindi pa ganap na payapa ang kanilang mga komunidad at anomang oras ay pwede silang salakayin ng mga terorista at iba pang grupo na ang tanging hangad ay maghasik ng kaguluhan sa bansa.

Malinaw din sa pahayag ng mga residente at maging ang mga lider Muslim na pabor sila sa Martial law dahil sa kasalukuyan ay ito lamang ang nakikita nilang paraan para manatili ang kaayusan sa Mindanao.

Sa pagtataya ng militar at pulisya, mayroon pang naiwang ilang grupo ng ISIS lalo’t higit sa kaalyado nitong Abu Sayyaf ang nagpapahinog lamang sa kanayunan at nangangalap ng lakas at puwersa.

Paghahanda ang pinakamabisang paraang para sa mapigilan ang anomang kaguluhan at iyan ang nakikita ni Pangulong Duterte dahil alam niya ang kalakaran sa rehiyon dahil siya ay tagarito.

Wala rin namang problema sa mamamayan ng Mindanao dahil malaki naman ang pinagkaiba ng batas militar sa ngayon kumpara noong panahon ni Marcos.

Martial law with a heart ang taguri ngayon ng mga taga Mindanao sa isinasagawa ngayon dahil punong-puno ito ng paggalang sa karapatang pantao na labis na ikinatuwa ng mga residente rito.

Tiwala rin ang pahayag ng halos lahat ng peace loving sector sa lugar na pinatuyanan sa pagsasagawa nila ng mga resolusyon na ipadadala nila sa Mababang Kapulungan at Senado. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply