Martial law extension sa Mindanao, posible na – Drilon

MALAKI ang paniniwala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang hinihining extensyon ng Martial law sa Mindanao kahit kapos sa katwirang konstitusiyunal.

Sa panayam, sinabi ni Drilon na hindi maiiwasang bigyan ng awtorisasyon ng Kongreso na palawigin ang Martial law dahil mayorya ng miyembro ng Kongreso ay kaalyado ni Pangulong Duterte.

“I think the authorization of Congress to extend martial in accordance with the request of the President is a foregone conclusion. Congress is a political body and the President has the super majority in both Houses,” ayon kay Drilon.

Kaya aniya, inaasahan nang aaprubahan ng dalawang kapulungan ang kahilingan ng Pangulo upang payagan na magdeklara muli ng Martial law sa buong Mindanao sa loob pa ng isang taon.

“Inaasahan na ‘yan kahit may reserbasyon at oposisyon, na bibigyan ng awtorisasyon ng Kongreso ang ekstensyon ng Martial law sa loob ng isang taon sa buong Mindanao sa kahilingan ng Pangulo,” ani Drilon.

Kamakailan, hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso na magkaroong extensyon ng Martial law sa Mindanao na magtatapos ang deklarasyon sa Disyembre 31, 2017.

“Kaya kami ay maghahain ng mosyon. Pero, hahawakan naman ito ng Supreme Court na siyang magdedesisyon kung papayagan o hindi kung may factual basis para sa ekstensyon ng Martial law sa Mindanao,” giit ni Drilon.

Ngunit, sinabi ni Drilon na wala pang plano ang minorya na kuwestiyunin ng legalidad ng ekstensiyon sa Korte Suprema dahil sila din ang magdedesisyon sa konstitusyinalidad nito.

“We will raise constitutional issues. There is no armed uprising or actual rebellion, which is a requirement under the constitution for an extension,” paliwanag ng dating senate president. ERNIE REYES

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply