May gap talaga!

OBVIOUS sa kanyang pagsasalita na may gap nga sila ng dati niyang bestie na sanggang dikit niya before.

Nagkalamat na nga ang friendship nilang dalawa at nahalatang they are not in good terms nang tanungin ng isang blogger ang personalidad na ‘to kung ano ang kanyang magiging reaksyon in the event na talunin siya ng kanyang bestie sa annual MMFF.

Oo nga’t nagplastik naman ang nasabing personalidad pero it was palpably obvious that he lost his enthusiasm to answer some of the remaining questions for the night.

Nang pabasahin nga siya sa mga winners ng kanilang pa-raffle, na sad to say ay ikina-shock ng press na naroroon dahil hindi raw na-meet ang kanilang lofty expectation knowing how innately fabulous the personality was in his last presscon, masakit daw ang kanyang throat kaya ipinabahala na niya sa iba ang pagbasa ng mga winners.

Anyway, hindi nagpabongga ang nasabing personalidad dahil na-offend ang kanyang lofty sensibilities sa mga intriguing questions ng dalawang huling nagtanong na pilit na inuurirat ang state of things in as far as his relationship with his former best friend is concerned.

So, maraming umuwing nganga (nganga raw, o! Hahahahahahahahaha! How so very amusing!) dahil binad-trip nga nila ang iconic personality sa klase ng kanilang mga katanungan.

I didn’t write about this to put the hot personality in bad light. Maramil nga ay sensitive lang siya sa mga too personal questions kaya nawala ang kanyang ganang magpa-bongga.

Better luck next time, boys! Hahahahahahahahahahahaha!

Kayo kasi, inulay n’yo ang lola n’yo. Hayan tuloy nganga ang nakararami. Hahahahahahahahahahaha!

JOROSS GAMBOA SINABING MASAKIT DAW SA ITLOG ‘PAG NAGBIBIHIS PAMBABAE ANG LALAKI!

Traumatic raw para kay Joross Gamboa at sa co-star niya sa pelikulang Deadma Walking na si Edgar Allan Guzman kapag nagbibihis babae na sila sa kanilang MMFF movie. “Mahirap siya physically kasi ipit na ipit ang mga balls namin rito ni EA! Grabe!” he confessed. “Sa totoo lang tumaas ang respeto sa mga drag performers kasi ang hirap ng proseso bago ka makausot ng costume.”

Anyway, Joross Gamboa was not the original choice for the lead role in their movie Deadma Walking.

John Lloyd Cruz and Dingdong Dantes were also considered to delineate the role John, the terminally-ill gay who made a sham wake of himself.

But it’s not important if he’s not the original choice, what matters most is that he is the final choice to essay the role.

In retrospect, malaki raw ang pasasalamat niya kina Lloydie at Dingdong na sa kanya napunta ang role finally.

Imagine, big-named personality raw ang kinunsider but the role finally went to him.

“I really gave it my all at sana magustuhan ng marami ang pinakita naming pagpapatawa rito ni Edgar Allan Guzman,” asseverated Joross at the presscon of Deadma Walking last December 7.

Isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2017 ang gay comedy movie na Deadma Walking which is produced by T-Rex Productions.

Joining Joross in this movie is Edgar Allan Guzman as Mark, his beki BFF.

At first, he was hesitant to accept the movie but he changed his mind right after he was able to read the script.

“I’ve portrayed gay na sa ilang movies like I Love You, Thank You and Can’t Help Falling In Love. Parang ayoko muna,” he quipped.

“Gusto ko kasing mag-action.

“Nung gawin ko kasi ‘yung Encantadia at La Luna Sangre, parang nagustuhan ko yung action.

“E, nung mabasa ko ‘yung script for Deadma Walking, manghihinayang ako kapag hindi ko ginawa ito.”

Ang pinakamahirap na part raw ay kinakailangan nilang mag-drag queen costume rito ni EA.

“Mahirap siya physically kasi ipit na ipit ang mga balls namin rito ni EA!” he confessed outright, in a serious manner. “Grabe! Sa totoo lang tumaas ang respeto sa mga drag performers kasi ang hirap ng proseso bago ka makausot ng costume.

“Akala ko madali lang, pero ang dami palang iipitin! Kasama na run mga itlog namin!

“Para kasi walang bukol, kailangan ipitin mo ‘tapos lagyan ng tape.

“’Tapos, ilang patong ng Spanx para lumiit ang waistline mo. Nag-girdle pa kami para may shape.

“‘Tapos, may kadera pa kaming sinuot para magkaroon kami ng hips.

Ang una raw niyang naisip ay kung papano siya iihi. Sabi raw niya, bahala na. Pipigilan na lang daw niya.

Mahirap rin daw magsuot ng high heels kaya hindi raw niya lubos-maisip kung papano nakapaglalakad ang mga babae wearing those horrible shoes.

Ang sakit na nga raw sa paa, masakit pa sa itlog!

Ganuned? Hahahahahahahahaha!

At any rate, hindi raw siya nag-i-expect ng award. Gusto raw niyang masorpresa.

Mas gugustuhin para raw niyang kumita ang kanilang pelikula para makapag-produce pa ang T-Rex Productions ng maraming pelikula.

PIA WURTZBACH SA KANYANG SUPER HEROINE COSTUME: SEXY, PERO HINDI BASTUSIN

In-assure ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ang costume niya sa kanilang festival movie ni Vice Ganda at Daniel Padilla Gandarrapiddo: The Revenger Squad, ay sexy pero hindi raw offensive.

“Two-piece pero hindi bastusin, parang pwede sa bata. Seksi pero pleasing to everyone. Hindi offensive,” she said.

Hindi naman daw siya nailang sa sexy costume niya sa pelikula.

“Binabantayan naman po namin na maigi ‘yung costume ko at lahat naman po ng mga galaw ko e safe,” she quipped. “Saka secure ‘yung costume na kapag magte-take, palagi kong tsine-scheck na maayos ang lahat, kasi ayaw naman po namin na magmukhang parang nag-two piece nga pero kitang-kita naman.

“Kung nakapag-swimsuit ako sa harap ng maraming milyun–milyong tao nung Miss Universe na mas konti pa po riyan ang tela po e kayang-kayang naman po ito at Rated G naman po kami.

Malaking-malaki raw ang pagkakaiba ng pagiging artista niya noon at ngayon.

“Mga teenager pa po ako noon,” she averred. “Tapos ang dami ko nang ibang pinagdaanan, nag-culinary ako, sumali ako sa Bb. Pilipinas, tatlong beses.

“Tapos, may one year pa na Miss Universe.

“Ang tagal ko na sa pageant world, I can say mga five years na.

“So ibang-iba na siya noon dahil ngayon, mas malaki na ako, mas matanda na ako, and ibang klaseng role.

JENNYLYN MERCADO NAMI-MISS PA RIN ANG NAMATAY NANG ADOPTIVE PARENTS TUWING PASKO!

Missed pa rin daw ni Jennylyn Mercado ang long departed adoptive parents niyang sina Roger at Mommy Lydia Mercado lalo na’t holiday season. Second Christmas na raw na wala ang kanyang mga adoptive mom at siyam na Pasko namang wala ang kanyang daddy.

Hindi raw niya maiwasang malungkot ng Ultimate Star na lead actress ng MMMFF 2017 official entry na All Of You tuwing darating ang araw ng Pasko. “Siyempre, sa mga ganitong okasyon mo maaalala ang mga taong nawala sa buhay mo na pinakamamahal mo, di ba?” she asseverated. “Noong mawala si Daddy noong 2008, ang sakit no’n.

“Kasi buntis pa ako noong mga panahon na iyon kay Jazz.

“Pero noong mawala na si Mama last year, yun ang pinakamasakit sa lahat kasi parang nawalan ako ng sandalan.

“Nawalan ako ng kakampi.”

Ngayong Pasko, Dennis Trillo is the one who’s making her happy.

Sa bahay raw ni Jen magno-Noche Buena si Dennis together with his family. The next day naman, she would have lunch at Dennis’ house together with Jazz and her biological dad Noli Pineda.

Anyway, magiging busy raw si Jen in connection with the promo of her festival movie All Of You, where she has Derek Ramsay as her leading man for the second time. “Masaya lang tayo kasi you get to share your blessings with the people you love who love you back” she said. “Though di na kami kumpleto, nandoon pa rin yung happiness, yung kuntento ka na sa mga natatanggap mo.

“Ang importante ay masaya tayong lahat at patuloy ang pasasalamat natin kay Lord, maliit man o malaki ang blessing na dumating,” she ended up the interview on a positive note,

***
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply