Mayweather sasabak sa UFC

INTERESADONG sumubok si retired boxing champion Floyd Mayweather, Jr. na sumabak sa Ultimate Fighting Championship (UFC).

Ito ang sinabi ni UFC President Danna White na nagkaroon na sila ng inisyal na pag-uusap ni Floyd Jr. para sa nasabing pagsabak nito sa octagon.

Dagdag pa nito, tiyak ang pagsabak ng dating five-division world champion dahil nagawa na niya ito noong pinaplano pa lamang ang laban niya noon kay UFC star Conor McGregor.

Nauna nang nagpahayag ang 40-anyos na boksingero na interesado ito sa paglalaro sa UFC basta malaking pera ang pag-uusapan.

Sa kabilang dako, natanggap na umano ng Golden Boy Promotions mula kay Mexican superstar Saul “Canelo” Alvarez ang “go signal” para tuluyan nang isapinal ang kanilang rematch ni Kazakh knockout artist Gennady Golovkin.

Ayon sa presidente ng kumpanya na si Eric Gomez, hinihintay na lamang nila ang tugon ng panig ni Golovkin ukol dito.

“We are close, we are advanced, Canelo wants the fight, he gave us the green light to close the fight and there are important details we’re working on to reach an agreement, and once that happens we will work on the contracts,” wika ni Gomez sa isang panayam.

Sinabi pa ng opisyal na may dalawang bagay pa silang inaasikaso pero aniya, malapit na umano nila itong maayos.

“The focus is the rematch. That is what Saul wants, what the public wants, we are close, there are details that must be refined, two things that we are working on but we are close,” ani Gomez.

Umaasa naman ang pamunuan ng Golden Boy na maisasaayos na nila ang lahat ng kailangang ayusin bago matapos ang 2017.

Target kasi ng mga organizer na itakda sa Mayo 5, o sa tinaguriang Cinco de Mayo, ang boxing bout.

Kung maaalala, nauwi sa kontrobersyal na draw ang bigwasan nina Canelo at Golovkin sa laban na ginanap sa Las Vegas noong buwan ng Setyembre. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply